Gamitin ang halaga ng iyong bahay—nang hindi kailangang ibenta
Habang papalapit sa pagreretiro ang maraming Canadian homeowners, marami ang nakakaranas ng sitwasyon na “mayaman sa bahay ngunit kapos sa pera.” Ang reverse mortgage ay nagbibigay ng paraan upang magamit ang bahagi ng equity ng iyong bahay—nang hindi isinusuko ang pagmamay-ari o kinakailangang lumipat. Isa itong pinansyal na solusyon na ginagawang tax-free income ang bahagi ng halaga ng iyong bahay, na magbibigay sayo ng mas malaking kakayahan at kapanatagan sa iyong pagreretiro.
Ano ang Reverse Mortgage?
Ang reverse mortgage ay isang pautang para sa mga homeowners na may edad 55 pataas, na nagbibigay-daan upang makautang katumbas sa halaga ng kanilang bahay.
Hindi tulad ng tradisyonal na mortgage, wala itong buwanang bayad. Sa halip, babayaran lamang ang utang kapag ibinenta mo ang iyong bahay, lumipat ka, o pumanaw.
Ikaw pa rin ang may-ari ng iyong bahay, at nananatili sa iyong pangalan ang titulo nito.
Ang perang matatanggap mo ay tax-free at maaari mong gamitin ayon sa iyong nais—para sa buwanang gastusin, pagtulong sa pamilya, paglalakbay, o pagpapaayos ng bahay upang manatili rito habang tumatanda.
Para Kanino Ito?
- Dapat ay hindi bababa sa 55 taong gulang
- May-ari ka ng bahay (at ito ang iyong pangunahing tirahan)
- May sapat na halaga o equity ang iyong bahay
- Kung may asawa ka, pareho kayong dapat ay hindi bababa sa 55 taong gulang
Mas may edad, mas mahalaga ang bahay mo — mas malaki ang makukuha mo.
Halimbawa: Reverse Mortgage sa Bahay na nagkakahalaga ng $800,000
Kong ikaw ay 70 taong gulang at ang iyong bahay ay na-appraise sa halagang $800,000. Batay sa iyong edad at halaga ng ari-arian, maaari kang maging kwalipikado na makahiram ng hanggang 45%–50% ng halaga ng iyong bahay, depende sa lender at sa iyong lokasyon.
Tinatayang Reverse Mortgage Amount:
- Halaga ng Bahay: $800,000
- Posibleng Utang (humigit-kumulang 48%): $384,000
- Interest Rate (halimbawa lamang): 6.99%
- Walang kinakailangang buwanang bayad
Ibig sabihin, maaari kang makakuha ng hanggang $384,000 na tax-free funds, walang buwanang bayad. Magagamit ang halagang ito para sa pang-araw-araw na gastusin, pagbabayad ng utang, o mai-tabì para sa mga pangangailangan sa hinaharap—habang nananatili ka pa rin sa iyong sariling bahay.
Tandaan: Habang tumatagal, nadadagdagan ang utang dahil sa interes at ito ay mababayaran kapag naibenta ang bahay o kapag inayos ng iyong estate ang account.
Saan Mo Maaaring Gamitin ang Pera?
Walang limitasyon kung paano mo gustong gamitin ang pera. Ilan sa mga pwedeng paggamitan:
- Pandagdag sa kita sa pagreretiro
- Pagbabayad ng natitirang mortgage o utang na may mataas na interes
- Pang-gastos sa in-home care o medikal na pangangailangan
- Pagtulong sa mga anak na makabili ng sariling bahay
- Pagpapaayos ng bahay para sa dagdag na ginhawa at kaligtasan
- O simpleng mas maginhawang pamumuhay sa iyong pagreretiro
Mga Dapat Isaalang-alang Bago Mag-apply
Bagama’t nagbibigay ng kalayaan at flexibility ang reverse mortgage, hindi ito para sa lahat. Mahalaga na maunawaan ang mga kapalit:
Tumataas ang halagang utang sa paglipas ng panahon dahil sa interes.
Nababawasan nito ang equity ng iyong bahay, kaya mas maliit ang maiiwang mana para sa iyong mga tagapagmana.
Gayunpaman, ang mga reverse mortgage provider sa Canada ay may No Negative Equity Guarantee, na nagsisiguro na ikaw o ang iyong estate ay hindi kailanman magkakautang nang mas malaki kaysa sa halaga ng bahay kapag ito ay naibenta.
Kailangan mo ring panatilihin ang maayos na kalagayan ng bahay at magbayad ng property taxes at insurance.
At bago maaprubahan ang mortgage, kinakailangan kang kumuha ng independent legal advice upang matiyak na lubos mong nauunawaan ang mga kondisyon ng kasunduan.
Para sayo ba ang Reverse Mortgage?
Bawat sitwasyon ay natatangi. Ang reverse mortgage ay maaaring maging kapaki-pakinabang na solusyon para sa ilang homeowners—ngunit hindi ito angkop para sa lahat. Kung iniisip mo kung bagay ito sa iyong mga layunin sa pagreretiro, nandito ako upang tulungan kang timbangin ang mga mabuti at hindi mabuting epekto nito. Suriin natin ang iyong mga opsyon at, kung kinakailangan, ikokonekta kita sa mga mapagkakatiwalaang reverse mortgage specialists.
Alex Price - level 1 mortgage agent.
Search Mortgage Corp. and Brokerage #12652
Documents and Conditions for Reverse Mortgage
What You’ll Need
Kategorya | Mga kinakailangang dokumento / Kundisyon |
---|---|
Para sa bawat tao sa titulo | • T1 Generals (huling 2 taon, kumpletong kopya) • Notice of Assessments (huling 2 taon) • T4 slips (pinakahuling taon) • Pinakabagong property tax bill • 2 piraso ng government-issued na photo ID • Pinakabagong mortgage statement(s) |
Kung inuupahan mo ang bahagi ng iyong bahay: | • Kopya ng lease •3 buwang bank statements na nagpapakita ng deposito ng renta |
Kung may iba ka pang ari-arian: | • Pinakabagong property tax statement(s) • Pinakabagong mortgage statement(s) • Lease agreement(s) • 3 buwang bank statements na nagpapakita ng deposito ng renta |
Magagamit na mga Produkto: | • Standard Mortgage — lump sum advance • HELOC (Home Equity Line of Credit) — umutang kung kinakailangan • Monthly Advances — tuloy-tuloy, parang suweldo |
Mga Kondisyon: | • Lahat ng may-ari ng bahay ay dapat 55+ • Kinakailangan ang equity sa iyong bahay/bahay |
Nais mo bang makakuha ng tax-free na pera mula sa iyong bahay? Punan ang form sa ibaba at makikipag-ugnayan sa iyo ang isa sa aming mga espesyalista upang ibigay ang lahat ng detalye kung paano maaaring gumana para sa iyo ang isang Reverse Mortgage.
Reverse Mortgage Form

Real Estate Websites by Web4Realty
https://web4realty.com/